Kalye

Lyrics
[Chorus: Yosha] Nalimutan mo na ba Ang lahat ng nangyari? Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye Nalimutan mo na ba Ang lahat ng sinabi? Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye [Verse: Gloc-9] Iba't ibang tao, iba't ibang araw Ang aking nakikita at siyang nakakaulayaw Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw Ng liwanag, at hanggang sa muli pa niyang pagdalaw Sari-sari ang mga naglalakbay at dumaraan Kahit na ika'y nakasakay o kapapara lang Para lang bulong ng hangin na tuloy-tuloy Mabaho man o mabango, palagi mong maaamoy Usad na 'di palangoy, tawa man o panaghoy Lahat tayo'y mababasa o mapapaso sa apoy Dahil ako ang siyang daan Kahit buo kong pangalan ay kinatatamaran Sambiting madiin, marating, tawirin, tiisin Kung ayaw mo sa 'kin, sige, piliin kung alin Naaalala mo pa ba ang mga kuwento ng kalsada? Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata [Chorus: Yosha] Nalimutan mo na ba Kung ilan ang sumali? Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye? Nalimutan mo na ba Ang lahat ng nangyari? Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye? [Verse: Gloc-9] Aling Celia ang pangalan, lumuwas papuntang Quiapo Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo Daw na paru-paro sa balikat, 'yun ang akala Inipong pera'y nawala, kasama ng pitaka Si Melody, pauwi na galing pang Estrella Inabot ng hatinggabi, proyekto sa eskuwela Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela Sa kasamaang-palad, 'di na nakita ang dalaga Madilim, kasuluk-sulukan sa may Boni 'Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly Pero 'di siya nabusog sa tinapay o pansit Manhid lamang dahil sumisinghot siya ng pandikit Napiit kahit na 'di ito selda sa Bilibid Araw-araw, napakaraming tao ang naiipit 'Yan lamang ang ilan sa mga kuwento ng kalsada Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata [Chorus: Yosha] Nalimutan mo na ba Ang lahat ng nangyari? Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye? Nalimutan mo na ba Ang lahat ng sinabi? Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye? [Verse: Gloc-9] Galit, reklamo, angal, asar Init, pahid, pawis, dasal Tila 'di mararating ang tinatanaw na lugar Napakabagal ng pag-usad, parang lakad sa kasal Pero minsan, ang daan na ito ay nagsilbing Kasagutan sa milyon-milyong hinihinging hiling Malakas na narinig, bulong na nakakabinging Hinaing na gumising sa ginigising na gising Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa't Mas makapangyarihan ang awa't malasakit Sa kapwa, laban sa baril o kahit na tangke At tapang na katulad ng pinagsama-samang kape Ang kadilima'y napukaw ng bulaklak na sandata Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kaysa bala Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata At huwag mong kalilimutan ang kuwento ng kalsada [Chorus: Yosha] Nalimutan mo na ba Ang lahat ng sinabi? Nalimutan mo na ba Ang kwento, ang kwento ng kalye? Nalimutan mo na ba Kung ilan ang sumali? Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye? [Outro: Yosha] Nalimutan mo na ba Ang tunay na mensahe? Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gloc-9