Sukli

Album cover art for "Sukli" by Gloc-9 & Maya Flores

Gloc-9 & Maya Flores - Rap, Hip-Hop

Sukli

0 Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Intro: Maya Flores] Kahit pa ako'y isang datihan Na galon-galong pinapawisan Mananatili pa ring isang baguhan Kahit gaano kalayo ay mararating Kasya pa'ng aking sukli Kasya pa'ng aking sukli Kasya pa'ng aking sukli [Verse 1: Gloc-9] Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang Hanggang ngayon, ay nakahanda akong lumaban Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan Bawat taon, nilakad at dinaanan Kahit maputikan ang aking sapatos na pinag-ipunan ng hirap at pagod Sa pagtawid sa tulay na walang gabay Sugat sa kamay na bawal ang aray, kahit mamatay at gutay-gutay pa Gusto ko lamang sabihin ay 'di madali Ang mga kailangan kong danasin para Lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling Bagama't mailap ang pagkakataon, pinagkasya ko ang sukli Sa 'kin ay inabot, inunat ang baluktot, bakit tadhana ay malikot? Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot Ngunit 'di ka papayag dahil katapangan mo'y 'di maikukubli Kahit na ano pang sabihin ng iba ay kasya pa ang aking sukli [Chorus: Maya Flores] Kahit pa ako'y isang datihan Na galon-galong pinapawisan Mananatili pa ring isang baguhan Kahit gaano kalayo ay mararating Kasya pa'ng aking sukli Kasya pa'ng aking sukli Kasya pa'ng aking sukli [Verse 2: Gloc-9] Labing-walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim Bawal ang magtapon, dapat mag-ipon, ako ay pison, papatagin Ang lahat ng pikon, 'di makatugon sa mga hamon, uulamin Sa bawat araw na nagdaraan, ako'y laging nagdarasal, "Ama Namin" Dambuhala man ang nakaharang ay 'di tumitigil, 'di papapigil Kahit kanino, ako'y pursigido na parang baguhan, ako'y nanggigigil Batang pulubi, gutom, bibig ko na 'di pwedeng mapatikom Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong (Kahit pabulong) Mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang Hanggang ngayon, ay nakahanda akong lumaban Umaalulong, isa lang ang aking natutunan Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan 'Di papagapos sa daloy ng agos, kahit na pulaan at laging mamaos sa pag- sigaw nang sigaw, 'pag naliligaw, libag ay ipagpag Itak mo'y bingaw, bigas ma'y hilaw, 'wag kang bibitaw, 'wag [Chorus: Maya Flores] Kahit pa ako'y isang datihan Na galon-galong pinapawisan Mananatili pa ring isang baguhan Kahit gaano kalayo ay mararating Kasya pa'ng aking sukli Kasya pa'ng aking sukli Kasya pa'ng aking sukli

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Gloc-9