Masdan Mo Ang Kapaligiran

Album cover art for "Masdan Mo Ang Kapaligiran" by Asin

Asin - Rock, Folk

Masdan Mo Ang Kapaligiran

574.6K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran? Kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin Hindi na masama ang pag-unlad At malayo-layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Sa langit, 'wag na nating paabutin Upang kung tayo'y pumanaw man Sariwang hangin sa langit natin matitikman [Refrain] Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan [Verse 2] Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang matitikman? May mga puno pa kaya silang aakyatin? May mga ilog pa kayang lalanguyan? Bakit 'di natin pag-isipan Ang nangyayari sa ating kapaligiran? Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan [Verse 3] Darating ang panahon mga ibong gala Ay wala nang madadapuan Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag Ngayo'y namamatay dahil sa'ting kalokohan Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos kahit nung ika'y wala pa Ingatan natin at 'wag nang sirain pa 'Pagkat 'pag Kaniyang binawi, tayo'y mawawala na [Refrain] Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Lolita Carbon
  • Cesar Banares Jr.