Problema Na Naman

Lyrics
[Chorus] Problema na naman Suyang-suya na ako Nananakit na ang tainga ko Sa kaseselos mo Problema na naman Lagi kang nakabantay Wala ka nang patawad, giliw Maging sa kaibigan [Verse 1] Ako'y umaalis ng bahay upang kumayod (Upang kumayod) Maghapong nasa gawain, sangkaterba ang pagod (Pagod, ooh) Pagdating ko sa inyo, tuhod ko'y nangangatog Sa tuwing kita'y dinadalaw Ngiti mo ay manggang hilaw Mukha mo'y nakasimangot, ah [Chorus] Problema na naman Lagi na lamang ganyan Sadyang wala na bang katapusan Ang hirap ko sa buhay? [Verse 2] Kapag tayo'y namamasyal, lagi kang nangungurot Kapag mayro'n akong natitigan, puso mo'y nadudurog Sadyang mahal kitang tunay, 'yan ay 'di ko malilimot Ngunit kapag laging ganyan Parati kang nang-aasar Ako'y nabubugnot, ah [Chorus] Problema na naman Suyang-suya na ako Nananakit na ang tainga ko Sa kaseselos mo Problema na naman Lagi na lamang ganyan Sadyang wala na bang katapusan Ang hirap ko sa buhay? [Outro] Sadyang wala na bang katapusan Ang hirap ko sa buhay?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ernie Palacio
- Lorenzo Chua