Balita

Album cover art for "Balita" by Asin

Asin - Rock, Pinoy Rock

Balita

23.6K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Chorus] Lapit mga kaibigan at makinig kayo Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako [Verse 1] Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo May mga lorong 'di makalipad, nasa hawlang ginto May mga punong walang dahon, mga pusong 'di makakibo Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako Mula nang makita ko ang lupang ito Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago Ngayon ang puso'y may takot sa lupang pinangako [Chorus] Lapit mga kaibigan at makinig kayo Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako [Verse 2] Dati-rati ang mga bukid ay kulay ginto Dati-rati'y ang mga ibon 'sinlaya ng tao Dati-rati ay katahimikan Ang musikang nagpapatulog sa mga batang walang muwang sa mundo Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo Patakan niyo ng luha ang apoy sa kaniyang puso Dinggin niyo ang mga sigaw ng mga puso Ng taong una niyong dadamhing kabilang sa inyo [Chorus] Duol mga kaigsuunan ug paminaw kamo Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko Gusto nga ipahibalo ang mga istorya nga nagagahitabo Sa banwagisa na to

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Credits Not Found