Lolo Jose

Album cover art for "Lolo Jose" by Coritha

Coritha - Pop, Folk

Lolo Jose

6.5K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Noong panahong siya ay hari Masigla ang kanyang pagbati Mahigpit ang hawak ng mga daliri At ang lakad nama'y matuwid [Verse 2] Mahusay ang kanyang talumpati Makisig kung siya ay magdamit Malalim ang kanyang pag-iisip At lahat ay sa kanya nakatitig [Verse 3] Ngunit ngayong siya'y pagod na Mahina na rin ang katawan Pinagmamasdan na lamang sa bintana Ang unti-unting pagdaloy ng ulan [Pre-Chorus] At ang unang tanong sa umaga Kung ano ang kanyang nagawa Sa paglipas ng siyamnapung taon Nang siya'y malakas at bata pa [Chorus] Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na [Verse 4] Sa piling ng mga alaala Lagi na lamang nag-iisa Kahit sulyap, walang maaasahan Sa anak na 'di man siya mapagbigyan [Pre-Chorus] At ang unang tanong sa umaga Kung mayro'n pa siyang magigisnan Na liwanag sa nalalabing buhay Ngayon siya'y matanda at laos na [Chorus] Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na [Verse 5] Sa dilim ng kanyang pag-aasam Maghapon na lang nakabantay Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga Ng hindi malimot niyang nakaraan [Verse 6] At ang diwa ng kahapon, 'di na matagpuan At ang sinag ng umaga, dinaanan ng ulan At ang hirap ng nasa puso, 'di na mapapantayan Kung maaari lang, maaari lang, pawiin ang dusa [Chorus] Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Coritha