Awit Kay Leandro

Lyrics
[Verse 1] O Leandro, bakit ka ganyan? Ang takbo ng gulong ng tadhana O Leandro, masdan mo sana Ang lungkot ng mundo ay pamana [Verse 2] Matindi ang ating kahirapan Mapait ang ating nadama Ngunit kung tayo ay magmahalan Maligaya kahit kailanman [Chorus] Halina, may pag asa pa Ang hapdi ng dibdib may lunas Ang landas ng ating buhay ay tiyak nasa ating kamay [Verse 3] O Leandro, liliwanag ba Kung ika'y malupit at alinlangan Buksan mo sana ang damdamin mo At tibay ng puso'y 'di maglalaho [Verse 4] Kahit na mabigo ang pangarap Panaginip nama'y magwakas Dahil kung tayo ay magmahalan Maligaya kahit kailanman [Chorus] Magsaya, may bagong bukas May langit ang bawat nilikha Hari ka ng iyong buhay Mahiwaga ang pusong tunay [Chorus] Halina, may pag asa pa Ang hapdi ng dibdib may lunas Ang landas ng ating buhay ay tiyak nasa ating kamay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Coritha