Habilin

Album cover art for "Habilin" by Coritha

Coritha - Pop, Filipino

Habilin

3 Plays

Duration: 3:53

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Pangarapin mo bunso Ang isang magandang mundo Mali ng aming panahon Sa panahon mo iwasto Magsumikap ka lagi Nang matupad anumang mithi 'Wag kang tumigil sa pangarap Diyan kami mali [Chorus] Bukas mamanahin mo Buti nami't sama Bukas malalaman mo Ikaw nga ay pag-asa Kung saan kami nadapa Doon bumangon ka [Verse 2] Maging matalino ka Matutong magsala Mga turo namin sa iyo 'Di kami laging tama Panahon mong kinagisnan Iba sa aming nasaksihan Kayat tayo'y nagtatalo Huli na nang malaman [Chorus] Bukas mamanahin mo Buti nami't sama Bukas malalaman mo Ikaw nga ay pag-asa Kung saan kami nadapa Doon bumangon ka [Bridge] (Doon bumangon ka) (Doon bumangon ka) [Verse 3] Tawag ng iyong bayan Lagi mong dinggin Pag-iisa ay iwasan Wala kang mararating Bahagi ka ng mundo Kaya't sa iyong mga tagumpay Kapwa mo ay idamay Diyan kami kulang [Chorus] Bukas mamanahin mo Buti nami't sama Bukas malalaman mo Ikaw nga ay pag-asa Kung saan kami nadapa Doon bumangon ka Kung ano'ng aming tama Bukas patibayin pa

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Ananias Montano