Tamad

Lyrics
[Verse 1] Kay hirap gumising kapag gising ka na Tulog ang katawan, utak nagpapahinga Lahat ng gagawin, ipagpaliban mo na Maaga pa naman, may oras pang natitira [Verse 2] Oh, kay sarap mong binata, oh, sandali na lang Mahal kong talaga ang kumot ko at unan Ilang buwan na bang sila ay 'di nalalabhan? Mahal ko talaga at 'di ko maiwanan [Chorus] Pangarap kaya, pangarap na lang Kung mayro'ng pag-asa'y hindi ko alam Pangarap na lang hanggang magisnan Na may mga narating nang buhay [Verse 3] Mahirap mabuhay kung lagi kang gising Mulat nga ang mata, isip mo nama'y lasing Walang katapusan kung lagi mong iisipin Mabuti pa kaya'y matulog na nang mahimbing [Bridge] Mahal kong talaga ang kumot ko at unan [Outro] Mabuti pa kaya'y matulog na nang mahimbing
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Danny Javier
- Eddie Munji