Batang-Bata Ka Pa

Album cover art for "Batang-Bata Ka Pa" by Apo Hiking Society

Apo Hiking Society - Pop, OPM

Batang-Bata Ka Pa

175.1K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo 'Yan ang totoo Nagkakamali ka kung akala mo na Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang [Verse 2] Batang-bata ka lang at akala mo na Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman Buhay ay 'di ganyan Tanggapin mo na lang ang katotohanan Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam Makinig ka na lang, makinig ka na lang [Chorus] Ganyan talaga ang buhay, lagi kang nasasabihan 'Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman Makinig ka sa'king payo, 'pagkat musmos ka lamang At malaman nang maaga ang wasto sa kamalian [Verse 3] Batang-bata ako nalalaman ko 'to Inamin ko rin na kulang ang aking nalalaman At nauunawaan Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang Kahit bata pa man, kahit bata pa man [Chorus] Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan Sariling pagraranas ang aking pamamagitan Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata [Bridge] Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan Batang-bata ka lang at akala mo na Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman Sariling pagraranas ang aking pamamagitan Nagkakamali ka kung akala mo na Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang [Outro] La-la-la-la-la-la, la-la-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la, la-la-la-la-la-la-la La-la-la-la-la-la, la-la-la-la-la-la-la

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jim Paredes