Awit Ng Barkada

Album cover art for "Awit Ng Barkada" by Apo Hiking Society

Apo Hiking Society - Pop, Filipino

Awit Ng Barkada

51.3K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Nakasimangot ka na lang palagi Parang ikaw lang ang nagmamay-ari Ng lahat ng sama ng loob Pagmumukha mo ay hindi maipinta Nakalimutan mo na bang tumawa? Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa [Chorus] Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro Nandirito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa iyo Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo [Verse 2] (O, ikaw naman) Kung sa pag-ibig may pinag-awayan Kung salapi ay huwag nang pag-usapan Tayo'y 'di nagbibilangan Kung ang problema mo'y magkatambakan Ang mga utang 'di na mabayaran Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan [Chorus] Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro Nandidito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa iyo Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo [Verse 3] (O, ikaw na) Kung hahanapin ay kaligayahan Maging malalim o may kababawan Sa iyo ay may nakalaan Kami'y asahan at huwag kalimutan Maging ito ay madalas o minsan Pagka't iba na nga ang may pinagsamahan [Chorus] Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro Nandidito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa iyo Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo [Outro] Kasama mo Kasama mo Kasama mo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Danny Javier