Sa Bawat Umaga

Album cover art for "Sa Bawat Umaga" by Apo Hiking Society

Apo Hiking Society - Pop, Filipino

Sa Bawat Umaga

0 Plays

Duration: 4:07

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Sa bawat umagang sumisikat ang araw Alalahaning hiram lang ang buhay Ang bawat sandaling sa iyo'y lumilipas Gawain o isip, mga tula't awitin Ay laging bigyan ng saysay [Verse 2] Sa bawat lansangan na ibig mong tahakin Hanapan ng dulong pupuntahan Sa bawat hakbang ng iyong paglilibot Kanan o kaliwa, sana'y iyong isipin Kung bakit naglalakbay [Chorus] 'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan Mata'y nasisilawan, budhi'y nakukulayan Naliligaw kung saan-saan [Instrumental Break] [Verse 3] Sa bawat hangaring iyong ipinaglalaban Isipin ang mundo'y para sa lahat Sa bawat sandaling ikaw ay umibig Puso'y nasasagi, hapdi'y 'di mapawi Bawat puso'y may sariling pintig [Chorus] 'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan Mata'y nasisilawan, budhi'y nakukulayan Naliligaw kung saan-saan [Chorus] 'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan Mata'y nasisilawan, budhi'y nakukulayan Naliligaw kung saan-saan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Boboy Garovillo
  • Jose Javier Reyes