Pito Ni Juan

Lyrics
[Verse 1] Bata pa lang si Juan Marami na siyang alam Mahusay magbilang Lamang sa paaralan Sa maraming bagay May kahusayan si Juan Talagang mahusay si Juan [Verse 2] Pitong taong gulang pa lang Marunong nang pumito si Juan Pitong taong gulang pa lang Mga babae'y pinipituhan [Refrain] Pipito-pito si Juan Pipito-pito si Juan Pipito-pito pipito-pito Pipito-pito si Juan [Verse 3] Lumipas ang ilang taon Lumawak ang karanasan Matipuno at may dating Si Juan naging crush ng bayan Bawat natitipuhan siya'y pinapatulan Basta't nasisipulan sila ni Juan [Verse 4] Labimpitong taong gulang Makamandag ang pito ni Juan Labimpitong taong gulang Mga babae'y pinipituhan [Refrain] Pipito-pito si Juan Pipito-pito si Juan Pipito-pito pipito-pito Pipito-pito si Juan [Verse 5] At nang malaunan Nagkaroon ng anak si Juan Pito ang isinilang Sa bawat inang alam Pito ang asawa Na hindi man lang pinakasalan Hindi talaga maawat si Juan [Instrumental Break] [Verse 6] Pitong bahay ang inuuwian Naubos ang pinaghirapan Hiningal hinika si Juan Pitong ipin na lang naiwan [Refrain] Humina ang pagpito ni Juan Humina ang fagfito ni Juan Fifito-fito fifito-fito Fifito-fito si Juan [Verse 7] Pitungput-pitong taon Pito-pito ang iniinom Ngunit 'di makatulong Sa tuhod ni lolo Juan Pitong talampakan Ang lalim ng libingan At pitong sepulturero Na walang pakialam [Verse 8] Yumao siyang nag-iisa Iniwanan ng buong angkan Naiwan lang ay pustiso Sa basong kinalalagyan [Refrain] 'Di na pumipito si Juan 'Di na makapito si Juan 'Di na pumipito 'di na makapito 'Di na pumipito si Juan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Danny Javier