Paskong Walang Pera

Album cover art for "Paskong Walang Pera" by Apo Hiking Society

Apo Hiking Society - Pop, OPM

Paskong Walang Pera

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Abente kwatro na ng Disyembre Wala pa kong regalo Ubos ang pera Butas ang bulsa Papa'no na ito [Verse 2] Nalibot na ang bawat mall at shopping center Walang makita pwedeng mahingi na libre Minamahal ko Pagbigyan sana ako [Chorus] Kung pwede lamang Ang gagawin ko para sa'yo Sisindihan ko ng kandila Ang buong Ayala Bawat simbahan Ako'y magpapamisa Buong Pilipinas Bubuhusan ng saya at kanta Para sa'yo [Verse 3] Nung dating Christmas Kahit papano meron akong regalo Ngayon mahirap, maraming gastos Kapos pa ang sahod ko [Verse 4] O sana maintindihan mo Ang aking kalagayan Ang ninanais lamang Ay iyong kaligayan Labas sa gastos Lahat ay gagawin ko [Verse 5] Kung pwede lamang Para sa Christmas Itong alay ko Sasamahan kita sa Simbang Gabi at Noche Buena Magkakarolling ako sa'yo Hanggang umaga Sa araw ng Pasko Ipapasyal kita sa Luneta [Instrumental Break] [Verse 6] Kung pwede lamang Para sa Christmas Itong alay ko Isasama kita bumisita Sa aking ninong at ninang Hahanapin ang mga Kamag-anak na balikbayan Lahat ng pasalubong nila Ibibigay ko sa'yo [Chorus] Sisindihan ko ng kandila Ang buong Ayala Bawat simbahan ako'y magpapamisa Buong Pilipinas Bubuhusan ng saya at kanta Para sa'yo [Outro] Para sa'yo Maligayang Pasko

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Jim Paredes