Maasahan Mo Ako

Lyrics
[Verse 1] Bawat sandali Ng aking buhay Umaga't gabi Ikaw ay nasa isip ko Ngiti ng labi Ningning ng 'yong mata Anyong kayumanggi Hugis ng iyong mukha [Pre-Chorus] Mula no'ng bata pa ako Hangga't ngayong binata na Ikaw na ang aking tadhana [Chorus] Walang nagbago, heto pa rin ako Nagmamahal sa iyong tunay Maaasahan mo ako Maaasahan mo ako [Verse 2] Sikat ng araw Asul ng langit Puti ng ulap At lamig ng hangin Tila tumitingkad Kapag kasama ka Kay yaman ng buhay 'Pag tayo'y dal'wa [Pre-Chorus] Problema'y kayang-kaya Hirap ay nawawala Ang kalooban ko ay buo [Chorus] O heto ako, umiibig sa 'yo Pagmamahalan na tunay At walang hangganan Maaasahan mo ako Maaasahan mo ako Oh-oh [Instrumental Break] [Pre-Chorus] Magbago man ang panahon 'Di pa rin magmamaliw Ang pag-ibig natin, o giliw [Chorus] Oh, heto ako, nagmamahal sa'yo Sa hirap at sa ginhawa Sa gabi't umaga Maaasahan mo ako Pagmamahalan na tunay At walang hangganan Ako'y nagmamahal sa'yo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jim Paredes