Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan

Apo Hiking Society - Pop, OPM
Kung Sino-Sino, Kung Saan-Saan
2 Plays
Duration: 4:57
Lyrics
[Verse 1] Hawak kong peryodiko Na kung saan bawat tao Makinilya lang ang halaga Siyang tula ang sandata Kung silang may tapang kumanta Ang dating sinusumpa'y ginawa nang bida [Verse 2] Iniwan ang kapilya niya sa bundok Siya ay nagtago na Walang altar kung saan siya nagmisa Nagsilabasan ang hantik Pati bundok mukha'y inukit Nagsayawan kami hanggang umaga [Chorus] Kung sino-sino, kung saan-saan Kaaway, kaibigan Kilala ko sa pangalan lang Silang alamat, multo at anino Bumubuo ng aking kasaysayan [Verse 3] Pati dagat pinatuyo Ngunit nang templo'y gumuho Kami'y napipi sa madugong ganda Ngunit langit ay nagdilim Nang kalapati'y paslangin At sakali ang luha ay bumaha [Verse 4] Mula sa pula n'yang libro Natuliro na lang si Pedro Iniwan ang bukid at s'ya'y sumama Sumabog ang entablado Sinabayan ng delubyo Binihag ang mga matatanda [Chorus] Kung sino-sino, kung saan-saan Kaaway, kaibigan Kilala ko sa pangalan lang Silang alamat, multo at anino Bumubuo ng aking kasaysayan [Verse 5] Pati ilaw sa gintong telon Hinugis ng munting alon Ngunit sabi 'di 'yan ang totoo May babaeng napaiyak At luha nami'y pumatak Tuyo na ang kamay ng babaeng pilato [Verse 6] Nagpainom si Pandora Ngunit tumutol ang iba Kaya naghikab na lamang ang demonyo Sinimulan sa kandila Liwanag n'ya'y nakagiba Nag-alsabalutan ang tatlumpung balo [Chorus] Kung sino-sino, kung saan-saan Kaaway, kaibigan Kilala ko sa pangalan lang Silang alamat, multo at anino Bumubuo ng aking kasaysayan [Verse 7] Bumalik na si Gabriela Hindi itak ang dala n'ya Kundi ulan may sinag na dilaw Nakita ko sa may pintuan At siya'y napangiti lamang Habang namulaklak ang bagong araw [Verse 8] Lahat sila'y nakatingin Bitbit ng ibon ang sakitin Nilunod ng sigaw ang aking awit Pati sila'y sumayaw na rin Sa sari-saring tugtugin Ang awit palang ito'y likha namin [Chorus] Kung sino-sino, kung saan-saan Kaaway, kaibigan Kilala ko sa pangalan lang Silang alamat, multo at anino Bumubuo ng aking kasaysayan [Chorus] Kung sino-sino, kung saan-saan Kaaway, kaibigan Kilala ko sa pangalan lang Silang alamat, multo at anino Bumubuo ng aking kasaysayan [Outro] Bumubuo ng aking kasaysayan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jim Paredes
- Joey Reyes