Kumot At Unan

Album cover art for "Kumot At Unan" by Apo Hiking Society

Apo Hiking Society - Pop, OPM

Kumot At Unan

7.4K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Mabuti pa ang unan mo, kasama 'pag gabi Mabuti pa ang kumot mo, kasiping sa tabi Sa pag-uwi mo, sila ang 'yong kasama At sa pagtulog, wala nang iba [Chorus] 'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa Kung maaari lang naman Ako na lamang sana ang Maari mong gawin na kumot at unan mo [Verse 2] Mabuti pa'ng panyo mo, may dampi sa'yong pisngi At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti Sa pag-uwi ko, 'yan ang naaalala At sa pagtulog, wala nang iba [Chorus] 'Yan ba nama'y malilimutan ko pa Kung maaari lang naman (Maari ba naman) Ako na lamang sana ang (Pwede ba naman) Maari mong gawin na kumot at unan mo [Verse 3] Pangarap kita kahit papa'no pa kita isipin Pangarap kita, dinggin mo sana ang aking awitin Pangarap kita, gawin mo sana akong pangarap mo rin [Verse 4] Mabuti pa ang baso, may tikim ng 'yong halik Naiinggit ang labi kong laging nananabik Sa 'king paggising, 'yan ang naaalala Tuwing umaga, wala nang iba [Chorus] 'Yan ba nama'y maiiwasan ko pa Kung maaari lang naman (Maari ba naman) Ako na lamang sana ang (Pwede ba naman) Maari mong gawin na kumot at unan mo [Chorus] Kung maaari lang naman (Maari ba naman) Ikaw na lamang sana ang (Pwede ba naman) Maari kong gawin na kumot at unan mo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Danny Javier