Karaniwang Tao

Album cover art for "Karaniwang Tao" by Apo Hiking Society

Apo Hiking Society - Pop, OPM

Karaniwang Tao

0 Plays

Duration: 2:48

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] Ako po'y karaniwang tao lamang Kayod-kabayo, 'yan ang alam Karaniwang hanap-buhay Karaniwan ang problema Pagkain, damit at tirahan [Verse 2] 'Di ko kabisado 'yang siyensiya Ako'y nalilito sa maraming salita Alam ko lang na 'tong planeta'y Walang kapalit at dapat ingatan Kapag nasira, sino ang kawawa [Chorus] Karaniwang tao, saan ka tatakbo Kapag nawasak iisang mundo Karaniwang tao, anong magagawa Upang bantayan ang kalikasan [Verse 3] Karaniwang bagay ay 'di pansin Kapag naipon ay nagiging suliranin Kaunting basura ngayo'y bundok Kotseng sira ay umuusok Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog [Verse 4] May lason na galing sa industriya Ibinubuga ng mga pabrika Ngunit 'di lamang higante Ang nagkakalat ng dumi May kinalaman din ang tulad natin [Chorus] Karaniwang tao, saan ka tatakbo Kapag nawasak iisang mundo Karaniwang tao, anong magagawa Upang bantayan ang kalikasan [Post-Chorus] Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao Karaniwang tao [Chorus] Karaniwang tao, saan ka tatakbo Kapag nawasak iisang mundo Karaniwang tao, anong magagawa Upang bantayan ang kalikasan [Outro] Karaniwang tao

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Joey Ayala