Blue Jeans

Album cover art for "Blue Jeans" by Apo Hiking Society

Apo Hiking Society - Pop, Soundtrack

Blue Jeans

11.4K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] Nandirito kami ngayon Nagsusumikap sa araw-araw Kayod nang kayod hanggang sa mapagod Maagapan ang natatanaw Paminsan-minsan ay naglalaro Pag-ibig lang ang 'di ginagawang biro Kung sa tuksuhan lang, hindi pahuhuli Kinabukasan ay tinatabi [Verse 2] Paminsan-minsan ay nabibigo Sakit sa puso ay hindi maitago Ngunit tuloy pa rin, hindi pinapansin Ang kabuhayan ay intindihin [Verse 3] (Blue jeans) Alam mo ba ano ang ibig sabihin Ng ating pagsisikap sa 'skwela (Blue jeans) Ba't 'di na lang iwanan ang pag-aaral At sama-sama tayong magsaya Ngunit ang kabataan daw ay kayamanan 'Wag daw basta't itapon at papabayaan Kaya magsikap tayo habang may panahon at Mag-aral at mag-ipon tayo ng karunungan [Chorus] (Blue jeans) Sige, sige, sige kayod sa 'skwela At balang araw makikita niyo (Blue jeans) Pagkatapos ng iyong paghihirap 'Di ka rin makakahanap ng trabaho Sino ba silang nagmamarunong sa buhay Huwag sana silang makialam sa 'king buhay Anong kinabukasan pagkatapos ng 'skwela Huwag nang isipin at baka mangamba ka pa [Verse 4] Kay tagal-tagal ko nang nag-aaral Tignan mo, kupas na'ng aking maong (Hoo) Kung akala mo ako ay natuto na Hindi pa rin O kay tagal-tagal ko nang nag-aaral Tignan mo, kupas na'ng aking maong (Hoo) Kung akala mo ako ay natuto na Hindi pa rin ('Di pa rin, 'di pa rin, 'di pa rin) [Chorus] (Blue jeans) Sige, sige, sige kayod sa 'skwela At balang araw makikita n'yo (Blue jeans) Pagkatapos ng iyong paghihirap 'Di ka rin makakahanap ng trabaho Sino ba silang nagmamarunong sa buhay Huwag sana silang makialam sa 'king buhay Anong kinabukasan pagkatapos ng 'skwela Huwag nang isipin at baka mangamba ka pa [Outro] Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans Blue jeans (Ah) Blue jeans (Ah) Blue jeans (Ah) Blue jeans (Ah)

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Danny Javier
  • Jim Paredes