Preach

Album cover art for "Preach" by Yuridope

Yuridope - Rap, Philippines

Preach

0 Plays

Duration: 2:51

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Intro] Panty Droppaz League This is a Cursebox Production [Verse 1] Wala pang kain, tulad ng marami Pero sumulat para may maibahagi sa iba Baka sakali makapamulat, maparinig, mapawari O makagulat, maka-atake ng ibang tengang kawali Na walang buhat na mundo sa likuran At hinaharap ay tiyak na walang hirap Na lalakbayin habang humahanap ng dahilan Para kapalaran nila ay pasamain Samantalang alam nila ang nangyayari Sa kabilang mundo kung saan maraming nakalibing 'Yung katawang kalahati, tulad ko dati [Verse 2] Isa din akong 'di pinalad na lumaki ng marangya Kaya ako nandito ngayon nagtyaga Inalam kung paano makisama, ano naman kung mapasama Kung magutom ako at mahilo Kinabukasan sa kalsada ako'y madapa Tapos mag-isa, ayun ay nakakabuti pa ba? (Ha! Ha!) Do'n ba ako masasalba? Ha? Kung pakikinggan ko sila? Ha? Wala silang alam sa gusto ko na gawin Tingin lang sa'kin ay batang gala na pariwara Na ba't 'di niyo pa ibalewala (Ha!) Ang daming pakielamero Ba't 'di pa kaya sila 'yung una na mawala [Verse 3] Sadyang mahiwaga 'yung 'di nakikita ng mga mata Gutom na kakaibang 'di naririnig Sa mga sikmurang nagwawala, lalo kung wala kang pandama 'Di sa'yo mahalaga kung wala agad mapapala Madalian ang hangad na panandalian na saya Agaran din nawawala, 'di na kailangan ingatan Kasi 'di naman pinaghirapan, sulitin na lang habang nand'yan 'Pag wala na balik na sa libangan Ganyan na pag-iisip 'yung aking iniiwasan Ayaw kong makasanayan, dahil ginto sa'kin maliit O malaking gantimpala na 'di ko pagpapalit Pagpapalang nagbitbit sa'kin papanik sa hagdanan Makahigit sa alam ko na tamang dapat tahakin nila na daanan Lalo sa mga tulad ko na bata na hindi pa nalalaman Tunay nilang layunin sa madayang Mundo't nabiktima ng maaga dahil... [Outro] Talo tyak 'pag nagpaapekto ka Kasi na sa'yo ang epekto niyan Dire-diretso lang, dire-diretso lang Diretso lang

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Yuridope