Dadope

Lyrics
[Intro] Aye! [Chorus] Laging ganado kahit matalo Paulit-ulit babangon kahit kabado Dapat panalo, paulit-ulit aahon And 'di maniwala, ipapahiya ko Tiyak kong ikakaila mong 'di ka naniwala Kasi 'yan ang patunay ng aking pagkapanalo [Verse 1] Sa mga tumingin pailalim, noon sa'kin ngayon nando'n pa din Nais nilang makamit, ako ngayon ang pinalad na makarating Paa'y nasa lupa pa rin, humahakbang ng dahan-dahan kahit malagim Ang mga dinaanan 'di madali, may mga nasasabi sila Kasi 'di nila 'yun nagawa, kapag inggit pikit Gayahin niyo 'ko sanay sa masakit na mga salita Isa pa sa nakaraang ako lang gusto kong makahigit 'Yung dating minamaliit, ang mithiin lang ay lumaki Para makasagip ng mga gusto din Na makawala sa mga pangmamata Ng iba't ang kaba'y madaig [Chorus] Laging ganado kahit matalo Paulit-ulit babangon kahit kabado Dapat panalo, paulit-ulit aahon And 'di maniwala, ipapahiya ko Tiyak kong ikakaila mong 'di ka naniwala Kasi 'yan ang patunay ng aking pagkapanalo [Verse 2] Daming nagsasabing lumaki na daw ang ulo ko Sagot ko'y sa pakikisama, lalo lang natuto 'to Para sa'kin ay 'di na kasi laro ito Kalahati ng buong buhay ko ay naririto Kaya 'wag kang magsasalita ng masama sa kapwa Lalo 'pag 'di mo alam ang naranasan Natapakan at nagpahinto pero nagpapatuloy Para sa ginto kasi para sa pilak, pwede ka na ipagkanulo ng iba Maging dahilan pa sa iyong kumpyansa ay magpagiba Sa byahe mo maging rason ng 'yong pagkalito Baka matulad sa ibang mauwi sa pagkabigo 'Di ka maitutuwid ng pananaw nila na baliko Subok ko 'yan ang dapat mong mas pakinggan sarili mo Piliin mong mabuti ang tatanggapin ng isip mo Balang araw paggising mo, dapat totoo na 'yung panaginip mo [Chorus] Laging ganado kahit matalo Paulit-ulit babangon kahit kabado Dapat panalo, paulit-ulit aahon And 'di maniwala, ipapahiya ko Tiyak kong ikakaila mong 'di ka naniwala Kasi 'yan ang patunay ng aking pagkapanalo [Chorus] Laging ganado kahit matalo Paulit-ulit babangon kahit kabado Dapat panalo, paulit-ulit aahon And 'di maniwala, ipapahiya ko Tiyak kong ikakaila mong 'di ka naniwala Kasi 'yan ang patunay ng aking pagkapanalo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Yuridope