Sandata

Lyrics
[Verse 1] 'Wag mong iiwas ang mata Dahil nakikita ko na Mayroong bumabagabag na naman Sa iyo Sa pagbuntong ng hininga Mayroong lungkot nadarama Parang gustong tumakas na naman Lumayo [Chorus] Kung mabangis sa'yo ang mundo Mayroong puwang sa piling ko Ako ang sandata Kung mapait ang tadhana Sa piling ko'y 'di na luluha Ako ang sandata Ako ang sandata [Verse 2] 'Wag palipasin ang saglit At lamunin ng galit Itapon mo na ang nakaraan Tumayo [Chorus] Kung mabangis sa'yo ang mundo Mayroong puwang sa piling ko Ako ang sandata Kung mapait ang tadhana Sa piling ko'y 'di na luluha Ako ang sandata Ako ang sandata, ah-ah [Post-Chorus] Ooh, ohh-ooh, oh-ooh, oh-ooh Ooh, ohh-ooh, oh-ooh, oh-ooh, ooh [Bridge] Sumisigaw, alaala Pilitin mong makahinga Alam mo bang malaya ka? Alam mo bang malaya ka? [Chorus] Kung mabangis sa'yo ang mundo Mayroong puwang sa piling ko Ako ang sandata Kung mapait ang tadhana Sa piling ko'y 'di na luluha Ako ang sandata Ako ang sandata, ah-ah
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Yeng Constantino