Chinito

Lyrics
[Verse 1] Mapapansin mo ba kaya ang tulad ko? Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa'yo Kahit na hindi naman ako ang iyong kaharap, oh, chinito [Pre-Chorus] Balang araw ay malalaman mo rin [Chorus] At kung ikaw ay nakatawa Ako pa ba ay nakikita? Nalilimutan ko ang itsura ko Kapag kausap na ikaw Sana naman ako'y pakinggan At nang ikaw ay malinawan Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin Oh, chinito Chinito [Verse 2] Kung hindi inaantok Kung hindi nasisilaw Pwede bang malaman ko May pag-asa pa kayang natatanaw Bakit ba ang pungay ng bintana ng iyong mundo? Isang ngiti mo lang sa'kin Ay baon ko hanggang sa pag-uwi Oh, chinito [Pre-Chorus] Balang araw ay malalaman mo rin [Chorus] At kung ikaw ay nakatawa Ako pa ba ay nakikita? Nalilimutan ko ang itsura ko Kapag kausap na ikaw Sana naman ako'y pakinggan At nang ikaw ay malinawan Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin Oh, chinito Chinito [Interlude] [Outro] Sana naman ako'y pakinggan At nang ikaw ay malinawan Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin Ah, sige tawa lang nang tawa Ako pa ba ay nakikita? Nalilimutan ko ang itsura ko Kapag kausap na ikaw Sana naman ako'y pakinggan At nang ikaw ay malinawan Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin Oh, chinito Chinito
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jed Dumawal