Hanggang

Lyrics
[Verse 1] Ilang ulit mo nang itinatanong sa 'kin Kung hanggang saan? Hanggang saan, hanggang kailan Hanggang kailan magtatagal Ang aking pagmamahal? [Pre-Chorus] Hanggang may himig pa akong naririnig Dito sa 'ting daigdig Hanggang may musika akong tinataglay Kita'y iniibig [Chorus] Giliw, 'wag mo sanang isiping Ikaw ay aking lilisanin 'Di ko magagawang Lumayo sa 'yong piling At nais kong malaman mo Kung gaano kita kamahal [Verse 2] Hanggang ang diwa ko Tanging sa 'yo laan Mamahalin kailanman Hanggang pag-ibig ko'y Hanggang walang hanggan Tanging ikaw lamang [Pre-Chorus] Hanggang may himig pa akong naririnig Dito sa 'ting daigdig Hanggang may musika akong tinataglay Kita'y iniibig [Chorus] Giliw, 'wag mo sanang isiping Ikaw ay aking lilisanin 'Di ko magagawang Lumayo sa 'yong piling At nais kong malaman mo Kung gaano kita kamahal [Instrumental Break] [Bridge] Hanggang may puso akong marunong magmahal Na ang sinisigaw ay laging ikaw Hanggang saan, hanggang kailan Hanggang kailan kitang mahal? Hanggang ang buhay ko'y kunin ng Maykapal [Chorus] Giliw, 'wag mo sanang isiping Ikaw ay aking lilisanin 'Di ko magagawang Lumayo sa 'yong piling Hanggang may pag-ibig Laging isisigaw, tanging ikaw Hanggang may pag-ibig Laging isisigaw, tanging ikaw
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gigi Cordero
- Ronaldo Cordero