Bakit?

Album cover art for "Bakit?" by Gloc-9 & Cookie Chua

Gloc-9 & Cookie Chua - Rap, Pop

Bakit?

8.4K Plays

View Album

Lyrics

Language:

[Chorus: Cookie Chua] Bakit hinahanap ka? Bakit tinatawag ang iyong pangalan? Bakit hinahanap ka? Bakit tinatawag ang iyong pangalan? [Verse 1: Gloc-9] Nang una kitang makita sa may ermita Hindi ko na namalayan kung bakit Na para bang ako'y naakit nang ika'y lumapit Tinanong ko ang 'yong pangalan at ang 'yong telepono Pero sabi mo 'Di mo kinakausap ang mga tulad kong walang pera Walang kotse't 'di doble-doble ang cell Pero teka muna miss, 'wag kang mabilis lumakad 'Di naman ako manyakis At walang labis, walang kulang ang sinukli ko sa'yo Balot, eto pa sige, dalhin mo na lang sa inyo Kahit na wala akong kitain, walang makain Basta't alam mo lang kung gaano kahalaga sa akin Ang ikaw ay mapaglingkuran at mapagsilbihan Ipagpatawad mo sana, ako man ay naguguluhan [Chorus: Cookie Chua] Bakit hinahanap ka? Bakit tinatawag ang iyong pangalan? Bakit hinahanap ka? Bakit tinatawag ang iyong pangalan? [Verse 2: Gloc-9] Sa loob ng aking kwarto, sa loob ng banyo Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato Kinunan ko sa may kanto at ipinakuwadro ko pa Nang sa ganon ay lagi tayong magkasama Araw man o gabi kahit sandali Sa hirap man o ginhawa Ikaw at ako magpakailanman Na para bang mga palabas sa sine Alam mo na para bang imposible Pero pwede ka bang mailibre sa kanto Ng lugaw, palamig, siomai o siopao Baka pwede 'wag kang masyadong matakaw Sige na nga pero pwede bang dumalaw Pagmamahal ko sana ay tanggapin mo Pero kung itataboy mo ay ikamamatay, ikamamatay ko [Chorus: Cookie Chua] Bakit hinahanap ka? Bakit tinatawag ang iyong pangalan? [Bridge: Gloc-9] Siguro naman ngayon ay alam mo na Kung gaano kawagas ang aking pag-ibig Simula sa laman hanggang sa litid, kailaliman ay sinisisid Pero bakit ginamit puro luha at pasakit Makalipas ang mahabang panahon ang aking pagmamahal ay napalitan ng galit Nang nakita kita na may kasama kang iba May dala-dala pa naman akong regalo Matagal kong pinag-ipunan, kinuha ko sa alkansya Naglalakad habang lumuluha, tinititigan ang lupa Sinungaling ang mga baraha na tinanong Hindi naman natupad ang kanilang mga hula Wala nang dahilan para mabuhay Naging abo, wala nang kulay Akala ko nung una, tayo ng dalawa Ilang taon din naman kong naghintay Paalam na aking mahal, ako ay 'di na magtatagal At tanging ang iyong pagbalik Ang siyang aking ipagdarasal, ipagdarasal [Chorus: Cookie Chua] Bakit hinahanap ka? Bakit tinatawag ang iyong pangalan? Bakit hinahanap ka? Bakit tinatawag ang iyong pangalan? Bakit hinahanap ka? Bakit tinatawag ang iyong pangalan?

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Mike Villegas
  • Gloc-9