Mabuti Pa Sila

Lyrics
[Verse 1] Mabuti pa ang mga surot, laging mayro'ng sisiksikan Mabuti pa ang bubble gum, laging mayro'ng didikitan Mabuti pa ang salamin, laging mayro'ng tumitingin 'Di tulad kong laging walang pumapansin [Verse 2] Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel At mas mapalad ang kamatis, maya't maya napipisil Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa [Chorus] Ano bang wala ako na mayro'n sila? 'Di man lang makaisa habang iba'y dala-dal'wa Pigilan n'yo akong magpatiwakal Mabuti pa ang galunggong, nasasabihan ng "mahal" [Verse 3] Kahit ang suka ay may toyo at ang asin, may paminta Mabuti pa ang lumang dyaryo, at yakap-yakap ang isda Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa [Verse 4] Mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa [Chorus] Ano bang wala ako na mayro'n sila? 'Di man lang makaisa habang iba'y dala-dal'wa Pigilan n'yo akong magpatiwakal Mabuti pa ang galunggong, nasasabihan ng "mahal" [Outro] Mabuti pa ang mga snatcher, palaging may naghahabol Ang aking luma na computer, mayro'n pa ring compatible Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa 'Di tulad kong lagi, lagi na lang nag-iisa, nag-iisa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...