Palagi

Lyrics
[Verse 1] Hindi man araw-araw na nakangiti Ilang beses na rin tayong humihindi 'Di na mabilang ang ating mga tampuhan Away-bati natin, 'di na namamalayan [Pre-Chorus] Heto tayo [Chorus] Ngunit sa huli palagi Babalik pa rin sa yakap mo Hanggang sa huli palagi Pipiliin kong maging sa'yo Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong Iyo ako palagi, palagi [Verse 2] Kung balikan man ang hirap, luha't lahat Ikaw ang paborito kong desisyon at 'Pag napaligiran ng ingay at ng gulo 'Di ko 'pagpapalit ngiti mo sa mundo [Pre-Chorus] Heto tayo [Chorus] Sa huli palagi Babalik pa rin sa yakap mo Hanggang sa huli palagi Pipiliin kong maging sa'yo Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong Iyo ako [Bridge] Sa pagdating ng ating pilak at ginto Diyamante ma'y abutin Ikaw pa rin aking bituin Natatangi kong dalangin 'gang sa huling siglo [Chorus] Sa huli palagi Babalik pa rin sa yakap mo Mahal sa huli palagi Pipiliin kong maging sa'yo Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong Iyo ako palagi
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- TJ Monterde