Tanda

Lyrics
[Verse 1] May bago na naman akong puting buhok Hindi ko na mabilang kung ilang taon na ba akong ganito Nalilito pa rin kung ano ba ang pakay ko Dito sa mundong ito [Chorus] Balang araw, 'di na matatandaan ang nakaraan Araw-araw, unti-unting malilimutan Pinagdaanan nating dalawa Kahit na pigilin, patuloy lang na mawawala Darating sa ating pagtanda [Verse 2] Tayong lahat ay magiging alikabok Tanong ko, "Para sa'n lahat ng pagsubok?" Siguro ay para mag-iwan ng marka Bago tayo tumanda at kalaunang mawala [Chorus] Balang araw, 'di na matatandaan ang nakaraan Araw-araw, unti-unting malilimutan Pinagdaanan nating dalawa Kahit na pigilin, patuloy lang na mawawala Darating sa ating pagtanda Balang araw, matututunang tanggapin ang kasalukuyan Ayaw kong palagpasin Ang natitirang oras nating dalawa Kahit na pigilin, patuloy lang na mawawala Darating sa ating pagtanda
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Chael Adriano