Magaan

Lyrics
[Verse 1] Gusto ko lang na gumaan Bigat na nararamdaman Pa'no ihihiwalay ang lungkot sa ligaya Ng ating alaala Gustong lumaya Ang hirap ay 'di ko na kaya Sabihing ako'y talunan ang may kasalanan Ba't 'di nagkatuluyan? [Pre-Chorus] 'Di na kailangan pag-usapan Ako na ang may kasalanan Pwede mo na akong bitawan [Chorus] Paano ko ba mapapagaan? Pa'no ba bibitaw nang 'di kita nasasaktan? Kailangan pa ba na may sugatan? Huwag nang pahirapan Maghiwalay na lang nang magaan [Verse 2] Ang panalangin ko Ay mapatawad mo ako Nilaban naman pero 'di ko kaya na makita Luha sa 'yong mga mata [Pre-Chorus] 'Di na kailangan pag-usapan Ako na ang may kasalanan Pwede mo na akong bitawan [Chorus] Paano ko ba mapapagaan? Pa'no ba bibitaw nang 'di kita nasasaktan? Kailangan pa ba na may sugatan? Huwag nang pahirapan Maghiwalay na lang nang magaan [Bridge] Mas kakayanin kung dito na tatapusin Ako'y handa na kung ako ang sisisihin Nais kong ika'y makawala Sa kulungan na ating nagawa Maaari nang bumitaw nang magaan [Chorus] Paano ko ba mapapagaan? (Mapapagaan) Pa'no ba bibitaw nang 'di kita nasasaktan? (Oh, woah) Kailangan pa ba na may sugatan? Huwag nang pahirapan Maghiwalay na lang nang magaan [Outro] Paano ko ba mapapagaan? Maghiwalay na lang nang magaan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Carl Guevarra