Kahon

Album cover art for "Kahon" by The Juans

The Juans - Pop, Philippines

Kahon

0 Plays

Duration: 1:57

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Chorus] Tulungan niyo ako, kung sinong mang nand'yan Nahihirapan na, paulit-ulit na lang Hindi makahinga, hindi makagalaw Nawawalan na ng pag-asa [Verse] Nanggigigil 'di malaman anong dulot ng pait Pinipilit, hinahanap ang sagot sa hinagpis Iniisip mga dahilan kung bakit ka pinakawalan Tila ba nasayang lang ang ating mga nasimulan Gusto ko sumabog kay bigat ng aking puso Hindi rin makatulog parang ako ay nasusunog Mga sigaw sa isipan ayoko nang pakinggan Sawa na sa nakasanayan, gusto ko nang kalimutan Mga bagay na pinagsisisihan, 'di na mababalikan Ayoko nang pag-usapan, wala ring patutunguhan Nahihirapang bumangon, kailan kaya ko aahon Para akong nasa kahon na kay tagal na ng nakakulong [Bridge] Gulong-gulong-gulo Tulungan niyo ako Gulong-gulong-gulo [Chorus] Tulungan niyo ako, kung sinong mang nand'yan Nahihirapan na, paulit-ulit na lang Hindi makahinga, hindi makagalaw Nawawalan na ng pag-asa [Outro] Tulungan niyo ako, kung sino mang nand'yan Buksan niyo ang pinto, nakikiusap lamang Hindi makahinga, hindi makagalaw Gusto ko lang namang makawala sa dilim

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Japs Mendoza