Theme from Noon Time Show

Lyrics
[Verse 1] Halina at sumama Sa programa na pang-masa Hindi kailangang magaling ka Basta't bibo't bongga ka Wala naman kayong alam (Ginagawa kayong tanga) Laging sinusubaybayan Pumila nang maaga Para makuhanan ng kamera! Pumorma ng magara (Ha!) Malay mo madiscover ka! Hininintay nila kayo (Ang dami n'yong nauuto) Itapon na ang utak n'yo [Chorus] Sali na, dalhin na ang barkada Uulan dito ng pera Sali na, pati ang pamilya Happy-sappy magic plastic Ihaw-ihaw all-time Noontime show [Verse 2] Sumasayaw, umaawit Sila kahit na pangit Walang duda, benta sila Dahil guwapo at maganda Hindi naman kayo tanga (Ang dami pa namang iba) Gustong-gusto n'yo pa sila [Chorus] Sali na, dalhin na ang barkada Uulan dito ng pera Sali na, pati ang pamilya Sa happy-sappy magic plastic Ihaw-ihaw all-time Noontime show [Bridge] Sa libu-libong nakatunganga Kami lang ang inyong pag-asa Tumutok na bawat tanghali Wag na wag na kayong babawi Sumunod ka na lang sa uso Eh ano kung hindi bagay sa'yo Sambahin ang mga artista Sundan ang bawat kilos nila Gasgasin mga lumang plaka Hanggang dito na lang ang masa Ganito dapat pumorma Para magmukhang artista Ganito dapat ang kulay Para umunlad ang buhay Ganito dapat pag banda Pagkanta may epal na artista Hanggang dito na lang ba ang masa? (Hanggang dito na lang ang masa) Hanggang dito na lang ba ang masa? (Hanggang dito na lang ang masa) Hanggang dito na lang ba ang masa? (Hanggang dito na lang ang masa) Hanggang dito na lang ba ang masa? (Hanggang dito na lang ang masa) [Chorus] Sali na, dalhin na ang barkada Umuulan dito ng pera Sali na, pati ang pamilya Sa happy-sappy magic plastic Super duper bonggang bongga Ihaw-ihaw all-time Noontime show
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Chino Singson
- Jugs Jugueta
- Jazz Nicolas