Contestant Number One

Lyrics
[Intro: Noontime Show hosts] Okay! Napakadali lang ng gagawin ninyo, mga kaibigan! (Tama!) Igugulong niyo yung bato pagdating sa dulo, luhod sa asin! (Ayon!) Kainin ang bato at manalo ng bente pesos! (Bente pesos!) [Verse 1] Tayo na at lumahok Magbasag ng palayok Lalabas sa isang itlog Ferdinand Birog Lunukin mo nang buo Isang daan ang premyo mo Meron ditong apat pa Kaya mo pa ba? [Pre-Chorus] O 'di ba, ang saya saya? O 'di ba, ang saya saya? [Chorus] Ang daming premyo na naghihintay sayo Kahit na mapugot na ang ulo mo Kalahok sa kalokohan Kala mo panalo ka? Kalahok sa kalokohan Totoo ay talo ka [Verse 2] Pili ka: door 1, 2, 3 Isa dito ay may salapi Ang isa, may pie-in-the-face Isa ay toxic waste Pagkatapos mong bastusin Luluhod ka sa asin Itaya ang iyong hiya Para sa barya [Pre-Chorus] O 'di ba, ang saya saya? O 'di ba, ang saya saya? [Chorus] Ang daming premyo na naghihintay sayo Kahit mapugot na ang ulo mo Kalahok sa kalokohan Kala mo panalo ka? Kalahok sa kalokohan Totoo ay talo ka [Bridge] Okay, handa na ba kayo mga kaibigan? Ready! Get set! Go! Ayan na, si contestant number two, pagulungin ang bato! Konting bilis pa! Contestant number three, siya naman ang gugulong! Ano pa ba ang ipapagulong mo? Dire-diretso lang kayo! Twenty pesos din iyan! (Twenty pesos!) Hirap niyang pulutin kung saan-saan And the winner is, contestant number– [Pre-Chorus] O 'di ba, ang saya saya? O 'di ba, ang saya saya? [Chorus] Ang daming premyo na naghihintay sayo Kahit mapugot na ang ulo mo Kalahok sa kalokohan Kala mo panalo ka? Kalahok sa kalokohan Totoo ay talo ka Kalahok sa kalokohan Kala mo panalo ka? Kalahok sa kalokohan Totoo ay talo ka
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Kelvin Yu
- Jazz Nicolas
- Chino Singson
- Jugs Jugueta