Pasubali

Lyrics
[Verse 1] Kung pwede lang, 'wag mo na 'tong iwasan At 'wag mo ring ituring na biro Marahil 'to'y 'di mo inaasahan Pero sana'y 'wag ipinid ang pinto [Pre-Chorus] Itikom ang bibig, mata'y ibaling sa'kin Pakinggan mo ang sasabihin ko [Chorus] Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba pagsisigawan? Na 'di mo na pagkakailang tayo Kay rami nang pinagdaanan Ano pa ba ang iyong kailangan? Nagsusumamo na, sabihin mo [Verse 2] Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip Sa sarili laging may kinikimkim Patuloy lamang bang mananaginip? At mananatili lang na nakapikit [Pre-Chorus] Ako'y mayro'ng batid Ito'y iyong pag-amin Hindi na natin maiiwasan 'to [Chorus] Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba pagsisigawan? 'Di mo na pagkakailang tayo Kay rami nang pinagdaanan Ano pa ba ang iyong kailangan? Nagsusumamo na, sabihin mo [Pre-Chorus] Itikom ang bibig, mata'y ibaling sa'kin Pakinggan mo ang sasabihin ko [Instrumental Break] [Chorus] Kailan mo ba matututunan? Kailan mo ba pagsisigawan? Na 'di mo na pagkakailang tayo Kay rami nang pinagdaanan Ano pa ba ang iyong kailangan? Nagsusumamo na, sabihin mo [Outro] Nagsusumamo na, sabihin mo (Oh-ohh)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rey Dilay