Kay Tagal Kitang Hinintay

Lyrics
[Verse 1] Hawakan mo ang aking kamay At tayong dal'wa'y Maghahasik ng kaligayahan Bitawan mo'ng unang salita Ako ay handa nang tumapak sa lupa Tapos na ang paghihintay nandito ka na't Oras ay naiinip nagdahan-dahan Sinasamsam bawat gunita Na para bang tayo'y 'di na tatanda [Pre-Chorus] Ligaya mo'y nasa huli Sambit na ng 'yong mga labi [Chorus] Parang isang panaginip Ang muling mapagbigyan Tayo'y muling magkasama Ang dati ay balewala [Instrumental Break] [Verse 2] Nagkita rin ang ating landas Wala nang iba akong hinihiling Kung 'di ika'y pagmasdan Mundo ko ay 'yong niyanig Oh, anong ligayang 'ka'y sumama sa akin [Pre-Chorus] Nais ko lang humimbing Sa saliw ng iyong tinig [Chorus] Parang isang panaginip Ang muling mapagbigyan Tayo'y muling magkasama Ang dati ay balewala Panatag na'ng kalooban ko At ika'y kapiling ko na Oh, kay tagal kitang hinintay Oh, kay tagal kitang hinintay [Guitar Solo] [Pre-Chorus] Ligaya mo'y nasa huli Sambit na ng 'yong mga labi [Chorus] Parang isang panaginip Ang muling mapagbigyan Tayo'y muling magkasama Ang dati ay balewala Ang dati ay balewala Parang isang panaginip Ang muling mapagbigyan Tayo'y muling magkasama Ang dati ay balewala Panatag na'ng kalooban ko At ika'y kapiling ko na [Outro] Kay tagal kitang hinintay Kay tagal kitang hinintay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gosh Dilay
- Yael Yuzon