Estranghero

Album cover art for "Estranghero" by Cup of Joe

Cup of Joe - Pop, Alternative

Estranghero

36.5K Plays

Duration: 3:07

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1: Gian Bernardino] 'Di na alam kung ba't na ganito Mga kilos ay nagbago Pipilitin pa ba o kusang lalayo? Sa puso mong nanlalabo [Verse 2: Raphaell Ridao] Ang dating alam, panaginip na lang Mga sana'y 'di mabilang Hinahanap-hanap, tamis ng nakaraan Ba't tinatalikuran? [Chorus: Gian Bernardino] Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo? 'Di ko na alam kung dapat bang ihinto 'Di alam ang sasabihin 'Di alam ang aking gagawin Kung mananatili sa'yo Minamahal kong estranghero [Verse 3: Raphaell Ridao] Lagi na lang akong nangangapa 'Di na kita matimpla Hanggang dito na lang ba tayong dalawa Pupunta na lang ba sa wala [Chorus: Raphaell Ridao] Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo? 'Di ko na alam kung dapat bang ihinto 'Di alam ang sasabihin 'Di alam ang aking gagawin Kung mananatili sa'yo Minamahal kong estranghero [Bridge: Gian Bernardino, Raphaell Ridao] 'Di man lang nagsabi biglang umalis Kasama ka ngunit ba't nangungulila pa rin 'Di mapinta ang nadarama Ang anino mo'y 'di na makilala [Chorus: Gian Bernardino, Raphaell Ridao, Gian Bernardino & Raphaell Ridao] Kahit na litong-lito sa iyo pa rin tutungo 'Di man sigurado, 'di pa rin hihinto Isa lang ang sasabihin Isa lang ang aking gagawin Muli kitang kikilalanin Minamahal kong estranghero

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Raphaell Ridao
  • Gian Bernardino