Silakbo

Lyrics
[Intro] Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo [Verse 1] Magpapalunod ba sa dilim O titingin sa mga bituin? Tutulugan ang gabi o ito'y aangkinin? Ipapabukas ko na lang ba ulit? Siya na lang bang magdidikta Ng aking pulso at paghinga? 'Di alam ang gagawin, gulo ba'y haharapin Tatakbo o dapat bang tiisin? [Pre-Chorus] Dahan-dahang kumawala Sa kapit na dinadala 'Di na magpapaakit pa Sa kapit ng 'yong mata [Chorus] Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo [Verse 2] Naaarawan na ang sakit Umagang tila nanlalambing Ako'y babangon na muli nang hindi nakapikit Tumatamis na ang lahat ng pait [Pre-Chorus] Dahan-dahang kumawala Sa kapit na dinadala 'Di na magpapaakit pa Sa kapit ng iyong mata [Chorus] Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo [Post-Chorus] Oh-oh Oh-oh 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo [Bridge] Mga silid sa bahay ng ating damdamin 'Di na muling papatinag sa dilim Lalakasan ang himig ng mga salamin Palayain mga sigaw sa dingding [Chorus] Hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo Sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo [Post-Chorus] Oh-oh Oh-oh 'Wag na tatalikuran ang bigat ng unos 'Pag nasugat, 'wag pigilan ang silakbo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Gian Bernardino
- Raphaell Ridao
- Gab Fernandez
- CJ Fernandez