Tunay na Buhay

Album cover art for "Tunay na Buhay" by Maria Zephora Dimalanta

Maria Zephora Dimalanta - Pop

Tunay na Buhay

0 Plays

Duration: 5:40

View ArtistView Album

Lyrics

[Verse 1] Lumilipas ang panahon, unti-unting nadarama Sa buhay na ito'y hindi tunay ang ligaya Isang saglit ay may ngiti, kapagdaka'y may luha na Kanina lang ay kay saya, bakit ngayo'y may lumbay na? [Verse 2] Buhay nati'y 'di rin tunay dahil ito'y may hangganan Ngayon, puso'y pumipintig ngunit dagling pumapanaw Dating lakas, dating sigla, ngayo'y isang bakas na lang Alaala ng kahapo'y naglalahong walang ano pa man [Chorus] Kaya't ang nais ko ay ang buhay na tunay na buhay Doon sa Paraiso, ligaya ay walang-hanggan Tuwa doo'y walang sukat, walang makakapantay Hindi ka na mangangambang ika'y muling malulumbay [Verse 3] Huwag nating ilalagak itong isip sa may wakas Mata nitong ating puso ay ititig sa itaas Hirap nati'y mapapawi, hahalinhan Niya ng galak Kung tayo'y magtitiwala sa Dios Ama nating liyag [Bridge] Si Hesus ang tumubos sa ating sala Nang ating makamtan, pagpapalang walang-hanggan Sa Kaniyang pagbabalik, nawa tayo ay magkita Doon sa bagong langit, buhay natin ay tunay na [Chorus] Kaya't ang nais ko ay ang buhay na tunay na buhay Doon sa Paraiso, ligaya ay walang-hanggan Tuwa doo'y walang sukat, walang makakapantay Hindi ka na mangangambang ika'y muling malulumbay [Chorus] Kaya't ang nais ko ay ang buhay na tunay na buhay Doon sa Paraiso, ligaya ay walang-hanggan Tuwa doo'y walang sukat, walang makakapantay Hindi ka na mangangambang ika'y muling malulumbay [Outro] Tuwa doo'y walang sukat, walang makakapantay Hindi ka na mangangambang ika'y muling malulumbay

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Daniel Razon