Hanap Namin ang Lingap Mo

Lyrics
[Verse 1] Puso namin Ama sa 'Yo'y binubuksan Humihinging lunas sa 'ming mga kasalanan Hugasan Mo ang lahat ng karumihan Sa ngalan ng Iyong Anak kami ay pakinggan [Verse 2] Nangingimi kami na lumapit sa 'Yo Nahihiya man lang na sambitin pangalan Mo Ngunit saan pa ba kami patutungo Sapat ang awa na nagmumula sa dulang Mo [Chorus] Hanap namin ang lingap Mo sa araw-araw Umaasang hirap nami'y malulunasan Magtitiis kami tulungan lamang Pangako Mong buhay laging inaasam-asam [Verse 3] Tulungan Mo kami na makapagtapat Sa aming tungkulin na sa 'Yo ay tinanggap Nawa'y manatili kung pa'no Mo tinawag Sa piling Mo ligaya ay aming malalasap [Chorus] Hanap namin ang lingap Mo sa araw-araw Umaasang hirap nami'y malulunasan Magtitiis kami tulungan lamang Pangako Mong buhay laging inaasam-asam Inaasam [Chorus] (Hanap namin ang lingap Mo sa araw-araw) Ang lingap Mo sa araw-araw (Umaasang hirap nami'y malulunasan) Malulunasan (Magtitiis kami tulungan lamang) Pangako Mong buhay laging inaasam-asam (Kami'y magtitiis tulungan lamang) [Outro] Pangako Mong buhay laging inaasam Makamtan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Daniel Razon