Florita (Live)

Lyrics
Dito lang muna ako sa ating pangarap Hangin sa king mukha Sa'yo aking munting alaala At sa pag pikit ng aking mata Ikaw agad ang nakikita Ngiti at liwanag Sa pagmulat muling nawala Hagupit na kay pait Tila ninakaw ang aking tuwa Puso, puso, puso ay naiwan Mag-isa at nawawala Mga tanong na walang sagot Hagulgol, o puno ng poot At sa gabi na tahimik Boses mo'y naririnig Nilisang nalunod Ako ngayo'y nakaluhod Pira-pirasong 'di makuntento At sa aking pagtingala doon Ikaw ay nakikita Isang araw tayo rin ay magsasama 'Di na ako muling luluha pa Sa aking pag-iisa Ito ang pinanghahawakan Pangako na aking binitawan Sa ating mga pangarap noon Ang ating magiging tagpuan Isang araw tayo rin ay magsasama 'Di na tayo muling luluha pa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rita Daniela