Nandiyan Ka Pa Ba

Lyrics
[Verse 1] Nandiyan ka pa ba? Inaalala ko'ng lahat para sa 'ting dalawa 'Di magsasawa kung may pag-asa na magbabalik sa 'kin, sinta [Pre-Chorus] Alam kong kay hirap na bitawan siya, hmmm Pero kung maari lang ay pwede bang bumalik ka [Chorus] Kung saan ang mundo'y parang umiikot lang At sabay ang tibok ng ating pagmamahalan Paglapit, hahawakan at 'di na bibitaw Babalik sa mundo, ang naghilom ay ikaw Huh hmmm [Verse 2] Nandiyan ka pa ba? Inaaninag ang kislap ng pag-ibig sa 'yong mata At kung wala na, maghihintay at hihinga hanggang sa dumilat ka [Pre-Chorus] Alam ko na nariyan ka, gumising ka, bumangon Tahan na, tahanan mo'y sa piling ko, ooohhh [Chorus] Kung saan ang mundo'y parang umiikot lang At sabay ang tibok ng ating pagmamahalan Lalapit, hahawakan at 'di na bibitaw Babalik sa mundo, ang naghilom ay ikaw [Outro] Nandiyan ka pa ba?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rina Mercado