Astro

Lyrics
[Verse 1] Para sa tunay na lalaki Para sa tunay na lalaking hindi natatakot Para sa tunay na lalaking hindi natatakot tumalon sa bangin Para sa tunay na lalaking lumalangoy sa salamin [Refrain] Swabe at mabango 'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo Eto na ang totoo Eto na ang totoo [Verse 2] Para sa tunay na lalaking lumilipad at lumulutang Para sa tunay na lalaking nagsu-swiming sa kalawakan Para sa tunay na lalaking kumakanta at niroromansa ang buwan Para sa tunay na lalaking kumakain ng buwan [Refrain] Swabe at mabango 'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo Eto na ang totoo Eto na ang totoo [Chorus] Dahil ito na, ito na ang Astro! Astro cigarettes! Astro! Astro cigarettes! [Bridge] Pagkatapos mong kumain, magyosi ka Pagkatapos mong magyosi, matulog ka Mahimbing ka, managinip ka Mangarap ka, lumipad ka [Verse 3] Kagabi napanood ko sa tv ang aking paboritong artista, idol ko Sabi niya sa'ken, "Bumilli ka ng Astro cigarettes" Nagbebenta siya ng ilusyon, nagbebenta siya ng panaginip Nagbebenta siya ng pangako, at pangakong lumulutang na parang usok na galing sa isang malupit at mabango at swabeng-swabe na umaapoy na astro cigarettes [Refrain] Swabe at mabango 'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo Bumili na kayo Ito na ang totoo, ito na ang totoo [Verse 4] Isang araw sa isang palengke sa Dumaguete, nakakita ako ng Astro cigarettes, bumili ako ng isang pakete, sumakay ng traysikel papunta sa buwan At nagsindi, nagsindi, nag-relax, Nag-enjoy Hinithit ang isang buong pakete, binuksan ang mata At nag-dancing-dancing sa ibabaw ng mga planeta [Refrain] Swabe at mabango 'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo Ito na ang totoo, eto na ang totoo Ito na, ito na, ito na! Ito na ang [Chorus] Astro! Astro Cigarettes! Astro! Astro Cigarettes! Let's go! [Instrumental] [Saxophone Solo] [Chorus] Ito na ang Astro! Astro Cigarettes! Astro! Astro Cigarettes!
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Radioactive Sago Project