Alaala ni Batman

Album cover art for "Alaala ni Batman" by Radioactive Sago Project

Radioactive Sago Project - Rock

Alaala ni Batman

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

Bale, 1986 no'ng una kong nakilala si Batman Wala pang ABS-CBN no'n Sa BBC 2 pa no'n e, panahon ni Marcos na malapit nang Mamatay Wala rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda Sikat pa si German Moreno no'n eh Sabi ko, "shit, ang galing neto ah" Natulala ako no'ng una kong napanood si Batman "Shit, ang galing nito", sabi ko sa sarili ko Ang galing, galing, galing, galing ng itsura ni Batman Parang kinatam ang mukha Ang galing ng costume, umuumbok ang dibdib pero hindi pa rin bakat ang utong Ang galing ng gadgets n'ya, ang gara ng kotse Ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles Ang galing mangarate, actually, pulbos nga 'yung lahat ng Kalaban n'ya eh Palagi ko s'yang pinapanood no'n tuwing hapon Palagi akong nakikipag-away sa katulong namin Dahil gusto niyang manood ng Lotlot and Friends at saka That's Entertainment Pero ako, isa lang talaga'ng gusto kong panoorin Isa lang 'yung idol na idol na idol na idol ko talaga Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman no'n 'Di bale na si Robin, ayoko si Robin kasi parang bading Ano kaya'ng relasyon nila ni Batman Pero, idol ko talaga si Batman no'n Palagi ko siyang dino-drawing, palagi ko siyang ginagaya Lahat ng bagay na Batman, gustung-gusto ko at meron ako 'Yung T-shirt ko Batman, 'yung lunch box ko Batman 'Yung pencil case ko, 'yung panyo, sumbrero 'Yung toothbrush, 'yung brief ko, lahat 'yon Batman Mahal na mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami Palagi n'ya akong ibinibili ng mga Batman na bagay Pero minsan, gusto ko talaga ng Batmobile na laruan Nagpabili ako sa kanya Sabi ko, 'Tay, bili mo naman ako ng Batmobile o" Pero kakatanggal n'ya lang ata sa trabaho no'n at wala na Siyang pera Kasi kasali yata sa unyon, nagwala sa piketline kaya ayun natanggal Kaya gumawa na lang siya ng tarak-tarak na lata ng sardinas At binutasan na lang at kinabitan ng tansan At do'n ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal At, at lumipas na nga ang mga taon At si Batman ay halos tuluyan nang naglaho mula sa aking alaala Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan Alam kong naroon pa rin si Batman Isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim At misteryo sa loob ng aking utak at kuwarto At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin Nagulo na ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay Dumaan ang mga kasintahan, ang mga asawa Ang mga taong akala mo'y kaibigan pa rin 'yun pala'y tarantado Mga artistang araw-araw napapanood sa TV na mga bobo Mga pulitikong bobo Mga trabahong maliit lang ang sweldo Isang milyong bundok na mga problema Isang baha ng hinanakit, isang mundo ng hinagpis Hindi ko na matagalan, hindi ko matiis, hindi ko na kaya Ngayon, hindi ko na talaga kaya, hindi ko na talaga kaya Hindi ko na kaya May narinig akong putok mula sa kaibuturan ng aking utak Bumigay na ang tali, sumabog na ang bulkan, nabasag na ang pula Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi Ako ay narito na sa tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala Ang sarap ng hangin na umiihip-ihip sa aking kapa Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga Kamay Malapit na akong lumipad, malapit na akong lumipad, malapit Na akong lumipad Lipad Batman, lipad, lumipad ka, lumipad ka Lumipad ka papuntang langit, lumipad ka, lumipad ka Nakataas ang aking mga kamay, nakataas ang aking mga kamay Eh pero, bigla kong naisip, hindi naman pala lumilipad si Batman, 'di ba Hindi naman pala lumilipad si Batman Hindi naman pala lumilipad si Batman kaya, paalam, malupit Na mundo Paalam, mahal Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po Lolo sa tuhod, paalam po Lola sa siko, paalam po Bantay, paalam Muning, paalam Ewan ko kung sinong 'papakain sa inyo Paalam po, Aling Tekla Paalam po, Mang Goryo Tsaka ko na lang po babayaran 'yung sukang inutang ko sa 'yo Paalam, Junjun Paalam, Bongbong Babay, Rose, hoy, babay Babay Pini Babay Baby Babay Pablo, Asis, Rastem, BJ, Jay, sige 'yan Wowie, sige pare, Pards, Arwin, ingat kayo Sige paalam

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Lourd de Veyra