Noong Unang Panahon

Lyrics
[Verse 1] Noong unang panahon, ang langit at lupa'y Magkaratig halos, laganap ang tuwa Kapag sa banga, ni butil ay wala Ang gubat at ilog, may handang biyaya [Verse 2] Noong unang panahon, ang sikat ng araw Ay nagpapalago sa bawat halaman Bakit kaya ngayon, kay init ng darang Ilog tinutuyo, parang tinitigang? [Verse 3] Noong unang panahon, ang patak ng ulan Pinasasariwa dahong naninilaw Ngayo'y nagngangalit, may hanging kasabay May bahang kasunod na nakamamatay [Verse 4] Noong unang panahon, ang puso ng tao'y Marunong magmahal, hindi nanloloko Sa hapis ng iba'y laang makisalo Lalong pumayapa at hindi manggulo [Verse 5] Pati na ang langit, na dati'y kay baba Ay nagpakalayo sa ulilang lupa Bathala gumising, tuyuin ang luha Ng nananawagan at nagpapaawa [Verse 6] Noong unang panahon ang langit at lupa'y Magkaratig halos, laganap ang tuwa Bathala gumising, tuyuin ang luha Ng nananawagan at nagpapaawa [Verse 7] Noong unang panahon Noong unang panahon Noong unang panahon
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Bienvenido Lumbrera
- Nonong Pedero