Magtitiis

Lyrics
[Verse: Basil Valdez, Pilita Corrales] Ang bawat tao sa mundo Nagtitiis ng pighati Magtitiis na rin akong lagi Kalabisan ang maghintay Kung kapalaran ko'y ganyan Mapapasan ko rin ang krus Sa ngalan ng pagmamahal [Pre-Chorus: Basil, Pilita] Hanggang kalangitan Hanggang sa paanan ng Diyos Amang mahal Tadhanang kay lupit Ang dulot ay parusang ubod ng pait At kay sakit [Chorus: Basil & Pilita] Sino ang 'di magdaramdam? Kung sino pa ang iyong mahal Siya pa'ng magbibigay ng dusa At madlang saklap sa buhay Ngunit magtitiis pa rin ako Kung 'yan ang kapalaran Ang lahat ay matitiis Kung ang sanhi'y tapat sa pag-ibig [Instrumental Break] [Pre-Chorus: Basil, Pilita] Hanggang kalangitan Hanggang sa paanan ng Diyos Amang mahal Tadhanang kay lupit Ang dulot ay parusang ubod ng pait At kay sakit [Chorus: Basil & Pilita, Basil, Pilita] Sino ang 'di magdaramdam? Kung sino pa ang iyong mahal Siya pa'ng magbibigay ng dusa At madlang saklap sa buhay Ngunit magtitiis pa rin ako Kung 'yan ang kapalaran Ang lahat ay matitiis Kahit na nga 'yan na ang panganib Magtitiis pa rin Kapag tapat ang pag-ibig
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ryan Cayabyab