Matagal Na Rin

Lyrics
[Verse 1] Matagal na rin akong dalangin nang dalangin Sa Poong Maykapal, sa Mahal na Birhen Na ako ay ilayo sa buhay na madilim [Verse 2] Diwa yatang tugon sa aking hinihiling Nang ikaw ay dumating sa daigdig ko, giliw Puso ko'y natutong dumanas ng aliw [Verse 3] Ikaw ang yaman ng aking buhay Tanging bituin sa 'king karimlan Sagipin ang kawawa kong lumbay Sa lapot ng saya at huwad na kinang Ng aking magulong kalagayan [Verse 4] Ikaw ang tangi kong kaligtasan Ikaw ang tangi kong kalayaan Pag-ibig ko sana ay suklian Pagsuyong tunay sa aki'y ialay Ng kawawang buhay ko'y malunasan [Verse 5] Ikaw ang tanglaw ng aking buhay Umilaw sa aking halamanan Muntik nang 'di sikatan ng buwan Yakapin lamang nang maging matatag Ang 'di mapalagay kong kapalaran
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Willy Cruz
- Rolando S. Tinio