Lambingan

Album cover art for "Lambingan" by Pilita Corrales

Pilita Corrales - Pop, Filipino

Lambingan

0 Plays

Duration: 3:54

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Ay, kay tamis hirang Ng pagsintang tunay Ang lahat ay buhay Lalo't ika'y kapisan [Verse 2] Kung sa 'yo'y mawalay Palad ko'y hihina At kung walang lambingan Mabuti pa, mabuti pang ako'y pumanaw [Verse 3] Sa piling mo, sinta ko Napapawi ang lungkot Napaparam, nagbabago Ang lahat ng himutok At sa tuwi mong hahagkan Ang pisngi kong mabango Ay tuluyang napaparam ang hirap ko [Verse 4] Kung tayo'y magkasayaw Magkayakap sa galak Ang langit ng bagong buhay ay aliwalas Sa suyuang matimyas Nalilimot ang lumbay At patuloy ang sarap ng matamis na lambingan [Verse 5] Sa suyuang matimyas Nalilimot ang lumbay At patuloy ang sarap ng matamis na lambingan

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • José Corazón de Jesús
  • Leon Ignacio