Dahil Sa Polka

Lyrics
[Refrain] Ang polka ay magandang tignan Lalo't ikaw ang kasayaw Ang paa mo, kung minamasdan Ay magaan kung humakbang Ang kumpas ng polka ay bagay Sa galaw ng iyong katawan Ang galak ng puso ko naman Tila walang hanggan [Verse 1] Dahil sa polkang masigla Ang damdamin ko'y nag-iba Ang ibon man ay kumanta At ang tanawi'y gumanda Ang buhay ko ay sumaya 'Di mo lamang napupuna Puso ko'y biglang kumaba Dahil sa polka [Refrain] Ang polka ay magandang tignan Lalo't ikaw ang kasayaw Ang paa mo, kung minamasdan Ay magaan kung humakbang Ang kumpas ng polka ay bagay Sa galaw ng iyong katawan Ang galak ng puso ko naman Tila walang hanggan [Verse 2] Kahit sa maghapon Kung polka ang tutugtugin 'Di ka magsasawa Polka ang sasayawin Lalo na kung tuwina'y May kasayaw kang magaling Ang sayawa'y nakakaaliw 'Di na magmamaliw [Refrain] Ang polka ay magandang tignan Lalo't ikaw ang kasayaw Ang paa mo, kung minamasdan Ay magaan kung humakbang Ang kumpas ng polka ay bagay Sa galaw ng iyong katawan Ang galak ng puso ko naman Tila walang hanggan [Instrumental Break] [Verse 3] Bumagay ka irog Nang 'di ka mapagtawanan Kung polka ang tugtog Ay polka rin ang isayaw Ang buhay, kung minsan Ay polka rin na magalaw Mag-ingat lang sa bawat hakbang 'Di ka malulumbay [Refrain] Ang polka ay magandang tignan Lalo't ikaw ang kasayaw Ang paa mo, kung minamasdan Ay magaan kung humakbang Ang kumpas ng polka ay bagay Sa galaw ng iyong katawan Ang galak ng puso ko naman Tila walang hanggan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Levi Celerio
- Juan Silos Jr.