Apat Na Dahilan

Album cover art for "Apat Na Dahilan" by Pilita Corrales

Pilita Corrales - Pop, Filipino

Apat Na Dahilan

0 Plays

Duration: 2:58

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] May alam akong apat na dahilan Ng pag-aasawa at mga kasal Mayroon diyang kasal na kasunduan lang Na hindi naman sadyang nagligawan At mayroon namang napikot lang bigla Nag-asawa na mula nang mapahiya Mayroon diyang nagmamahal daw ng tapat Ngunit kuwalta lamang ang hinahangad [Verse 2] At itong huli, tunay na suyuan Ng isang wagas na pagmamahalan Kahit 'di gusto ng bawat magulang Ay tuloy pa rin hanggang sa magtanan Tama ang isa, tatlo ang mali Sa mga kasalan sa simbahan 'Yan ang dahilan kung bakit ganyan Kay ikli-ikli ng kasayahan [Chorus] Halina, aking liyag Kapiling hanggang wakas Ikaw ang tunay kong mahal Na iniibig ko nang tapat Halina, aking liyag Kapiling hanggang wakas Ikaw ang tunay kong mahal Na iniibig ko nang tapat [Verse 3] Kung ano man ang maging suwerte Gawin ang ikabubuti Talagang ganyan ang buhay Matagal ang kalungkutan Kalimutan na ang nakaraan Harapin mo ang darating pa lang Ihanda mo ang lahat na paraan Ituloy ang iyong kaunlaran Balikan ang gawain mong nahinto Upang 'di sapitin ang pagkabigo Kahit munting halaga ay impukin Pagdating ng araw ay dadami rin [Verse 1] May alam akong apat na dahilan Ng pag-aasawa at mga kasal Mayroon diyang kasal na kasunduan lang Na hindi naman sadyang nagligawan At mayroon namang napikot lang bigla Nag-asawa na mula nang mapahiya Mayroon diyang nagmamahal daw ng tapat Ngunit kuwalta lamang ang hinahangad

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Levi Celerio