Ang Dalaga Noon At Ngayon

Lyrics
[Verse 1] Ang dalaga noong araw 'di tulad ng dalaga ngayon Tunay na umiibig ngunit ayaw pang sumang-ayon Kung kulang sa tiyaga ay maiinip sa kanyang tugon At 'pag minalas pa, maghihintay ng habang panahon [Verse 2] Ang dalaga ngayon ay masasabing may katapatan Kung gusto rin lamang, 'di ka na ga'nong pahihirapan May mga batang-bata na makikitang may nobyo na Hindi tulad noong araw na ulyanin na ay dalaga pa [Verse 3] Ang dalaga natin ngayon at dalaga noong araw Asal man ay magkaiba, kapwa may puso at dangal Ang dalaga ngayon ay kung magdamit, sunod sa moda Ngunit noong araw, binti man niya'y 'di makikita [Verse 2] Ang dalaga ngayon ay masasabing may katapatan Kung gusto rin lamang, 'di ka na ga'nong pahihirapan May mga batang-bata na makikitang may nobyo na 'Di tulad noong araw na ulyanin na ay dalaga pa [Verse 3] Ang dalaga natin ngayon at dalaga noong araw Asal man ay magkaiba, kapwa may puso at dangal Ang dalaga ngayon ay kung magdamit, sunod sa moda Ngunit noong araw, binti man niya'y 'di makikita
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Arturo P. Santos