Sarap Balik-balikan

Lyrics
[Chorus] Kay sarap balik-balikan Mga alaala ng nakaraan Karanasan naming kinagagalakan Nawa'y maranasan mo rin [Verse] Tampisaw sa ulan, taguan sa dilim, at saka habulan Mga laro na nais kong ibahagi sa iyo Iba't ibang mga kwento na nakakatawa at nakakakilig Na dulot ay sayang walang ibang makakadaig [Chorus] Kay sarap balik-balikan Mga alaala ng nakaraan Karanasan naming kinagagalakan Nawa'y maranasan mo rin [Verse] Tandang-tanda ko pa ang una kong sintang paslit Kaklase ko nung kinder na ubod ng kulit Marami pang mga kwento ng pag-ibig at samahang totoo Na tulad ko'y, lahat ito'y pagdadaanan mo [Bridge] At palaging tandaan na nandito lang ako Handa kang gabayan sa biyahe mong ito Sa lahat ng magandang napagdaanan sa mundo Wala na talagang mas hihigit sa'yo [Chorus] Kay sarap balik-balikan Mga alaala ng nakaraan Karanasan naming kinagagalakan Nawa'y maranasan mo rin [Chorus] Kay sarap balik-balikan Mga alaala ng nakaraan Karanasan naming kinagagalakan Nawa'y maranasan mo rin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Chito Miranda